Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Utol ni Sy humugot kay Pardo

0 455

Mababawasan pa ng pasanin si Dioceldo Sy at ang Ever Bilena Cosmetics kapag nabenta niya ang Blacwater franchise sa PBA.

Nabu-bully si Sy, nawalan na ng gana kaya nagbabalak nang ibenta ang prangkisa. Nilagyan ng owner ng price tag na P150M ang team na pinaluwalan niya ng P120M para makapasok sa liga noong 2014.

Bago pa mabasag ang balita, may hint na ang ilang sources sa posibleng exit ng Elite.

Bugbog ang Ever Bilena Cosmetics sa epekto ng lockdown bunga ng coronavirus pandemic.

Nawalan ng kita ang Ever Bilena, tulad din ng isa pang team sa PBA na Columbian Dyip – pinasalo na nga sa sister company Terrafirma ang franchise. Nagsara ang malls, padlocked din ang outlets at boutiques ng Ever Bilena.

Si Elite governor Silliman Sy pa ang nagsabi na hirap sila.

“Bugbog sila, totoo ‘yun,” pahayag ni Magnolia representative to the Board Rene Pardo. “Sinabi nila Silliman ‘yun, na they’re very hard-hit dahil siyempre hindi priority ‘yung produkto nila.”

Nag-shooting ang dalawang players ng Elite noong Sabado habang wala pang go-signal ang PBA na mag-workout dahil July 22 ang target na umpisahan ang conditioning practices kapag pirmado na ng GAB, PSC, DOH at Inter-Agency Task Force ang joint administrative order.

Pinatawag na ni Marcial ang team officials ng Blackwater para magpaliwanag na kinaitira ni Dioceldo kamakalawa at paghayag na pagbenta sa prangkisa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.