Abante Tonite Interactive

Balakang ni mam, nabali sa bundol ng motor

335

Isasailalim sa operasyon ang isang retiradong teacher nang mabalian ng balakang matapos mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Gen. Trias City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Elizabeth De Ausen Luna, 70-anyos, ng No. 199 Purok 8, Bacao 2 Gen. Trias City, Cavite.

Hawak na ng pulisya ang driver ng isang Honda ANF-126 na motorsiklo na si Glevin John Delas Alas, 24, binata, isang IT staff, ng No. 193 Paras St., Tapia, Gen. Trias City, Cavite.

Sa ulat ni Patrolman Ronald Didal ng Gen. Trias City, Cavite, naganap ang insidente dakong alas-7:30 kahapon nang umaga sa A. Soriano Highway, Bacao 2 Gen. Trias City, Cavite kung saan papatawid ang biktima nang nabangga ng minamanehong motorsiklo ng suspek.

Sa matinding pagkakabundol ay tumilapon ang biktima at agad na isinugod sa ospital kung saan nabali ang kanyang kaliwang balakang. (Gene Adsuara)