Abante Tonite Interactive

Balance of payments deficit, lumobo sa $3.71B – BSP

By
253

Kinapos ng $455 milyon ang kinitang dolyares at iba pang foreign currency ng Pilipinas noong Hulyo kumpara sa mga ipinambayad nito sa mga inangkat at mga inutang nito.

Sabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mas mababa naman ang balance of payments (BoP) deficit na ito kumpara sa $678 milyon na itinala noong Hulyo 2017.

Kapag kinapos ang kinita ng bansa na dolyares at iba pang foreign currency para mabayaran ang mga binili sa ibang bansa at mga pinambayad sa utang, nababawasan ang tinatawag na foreign currency reserves ng bansa na maaaring ikahina ng piso laban sa dolyar at iba pang foreign currency.

Sabi ng BSP, umaabot na ang balance of payments deficit sa $3.71 bilyon kung susumahin ang mga kakulangan simula pa noong Enero.

Sinisi ng BSP ang deficit sa pagbayad ng pamahalaan ng mga utang nito sa ibang bansa. Maa­aring mapunan ang deficit kung mapapalago ng bansa ang i-e-export nito o kung maparami ang kikitain ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Isa pang solusyon sa pagtanggal ng BoP deficit ay ang pag-utang muli sa ibang mga bansa ng dolyar, euro o iba pang foreign currency.