Dinagdag sina Mylene Paat-Rezanova at Cam Bartolome sa Strong Group Athletics-Pilipinas na kakasa sa 2nd Formosa Women’s Volleyball Invitational Tournament 2026 sa Hulyo 30-Agosto 2 sa Taiwan.
Sina veteran opposite hitter Paat-Rezanova at batang Bartolome ang bumuo sa komposisyon ng team na mula sa mga pinagsamang Farm Fresh Foxies at ZUS Coffee Thunderbelles, na kapwa naghahanda sa 10th Premier Volleyball league 2026-27.
Si Paat ay nakapaglaro na rin sa ibang liga sa labas ng bansa samantalang si Bartolome ay isang dating standout ng Bacolod Tay Tung High School Thunderbolts sa Bacolod. Sila ang mga huling karagdagan sa team at si Cam ang pinakabatang miyembro sa edad na 19.
Kagagaling lang ng bituin ng College of Saint Benilde Lady Blazers sa isang kahanga-hangang kampanya sa 101st NCAA kung saan siya ang naging Rookie of the Year at Freshman of the Year, isa sa mga nangungunang middle blocker ng liga.
Kasama niya si Paat-Rezanova na magdadala ng pandaigdigang karanasan at napatunayang kakayahan sa pagmamarka sa koponan. Ang 32-taong-gulang na voleybelle ang 2022 PVL Reinforced Conference Most Valuable Player.
Lumiipat siya sa Farm Fresh sa unang bahagi ng taong ito at inaasahang magbibigay ng pamumuno para sa koponan ng Pilipinas sa apat na araw na torneo.
Ang pagsama kina Bartolome at Paat-Rezanova ang nagpabalanse rin sa roster ng pinagsasamang kabataan at karanasan habang naghahanda ang SGA-PH para sa unang internasyonal na misyon.
Mangunguna sa team sina reigninhg PVL All-Filipino Conference MVP Trisha Tubu, Roselyn Doria-Aquino, Maicah Larroza, Ces Molina, Louie Romero, at Jonna Perdido ngh Farm Fresh, kasama ang mga standout ng ZUS na sina Chinnie Arroyo, AC Miner, Clo Mondoñedo, Riza Nogales, Alyssa Eroa, at Zamantha Nolasco.
Si Farm Fresh coach Koji Tsuzurabara ang mamando koponan, kasama si ZUS coach Jerry Yee. Sina Kungfu Reyes at Shaq Delos Santos ang mga assistant coach. (Fastbreak)











