Abante Tonite Interactive

Balanza 1 taon sa Ginebra

433

Pagkatapos ni Arvin Tolentino, pumirma rin ng isang taong kontrata ang two-time National Collegiate Athletic Association champion na si Jerrick Balanza para sa Barangay Ginebra San Miguel.

Isa si Balanza sa mga naging sandigan ng Letran Knights matapos masilat ang sobrang liyamadong San Beda Red Lions sa NCAA Season 95 men’s basketball finals sa nakalipas na taon.

Ang 6-foot-3 forward ay second round pick ng Gin Kings sa Philippine Basketball Association Rookie Draft nitong Disyembre.

Naghahanda na ang Gins sa 45th PBA Philippine Cup na magbubukas sa Marso 8. (Aivan Episcope)