Abante Tonite Interactive

Balanza inakay ang Letran vs Lyceum

0 95

Mahalagang pumuntos ng 15 si Jerrick Balanza at ayuda ng 14 markers si Bonbon Batiller para espadahin ng Letran Knights ang San Sebastian Stags, 85-80, sa 95th NCAA basketball tournament 2019 stepladder semifinals one-game knockout Martes nang hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Pero mahirap na daan ang tatahakin ng CSJL laban kapit-bahay sa Intarmuros at No. 2 seed Lyceum Pirates sa ­Biyernes sa naturan ding lugar. Ang ­papalarin dito ang aabante sa cham­pionship round karambol ang abangers defending champion San Beda Red Lions.

Dominado ng Knights ang laban, pero biglang uminit ang opensa ng Stags sa kalagitnaan ng fourth quarter, dumikit sa 80-81 ang hinahabol sa huling dalawang minuto ng laro.

‘Di lang nasiraan ng loob ang Knights sa pag-aaklas din nina Allen Mina, Larry Muyang at Ato Ular para itakas ang importanteng panalo.

“Yung players namin, gusto pa nila maglaro, gusto pa nila mag-practice pa bukas. ‘Di sila bumigay sa magandang pinakita ng Baste,” ­hayag ni Letran coach Bonnie Tan.

Namuno sa opensa para sa Baste si Ilagan na nirehistrong 36 markers, 15 ang inambag ni Allyn Bulanadi.

Ang iskor:
LETRAN 85 — Balanza 15, Batiller 14, Mina 12, Muyang 11, Ular 10, Yu 10, Caralipio 9, Balagasay 4.

SAN SEBASTIAN 80 — Ilagan 36, Bulanadi 15, Villapando 8, Calahat 7, Capobres 5, Altamirano 5, Desoyo 2, Sumoda 1, Cosari 1.
Quarters: 23-20, 50-40, 69-59, 85-80. (Elech Dawa)