Abante Tonite Interactive

Balanza, Muyang haligi ng Letran

0 204

NCAA SEASON 95 TEAM PREVIEW

Marami ang nawala, marami rin ang nadagadag at marami pa ang natirang players, kaya naman mananatiling markado ang Letran Knights sa Final Four sa 95th NCAA men’s basketball tournament na magbubukas ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pumasok na sa Philippine Basketball Assoaciation (PBA) sina JP Calvo at Bong Quinto na mga pangunahing armas ng Letran nakaraang season kaya hindi na sila kasali sa lineup.

Wala na rin sa roster sina Christian Fajarito at Jeremiah Taladua pero nandyan pa rin ang ibang beteranong sina Jeo Ambohot, Bonbon Batiller, Larry Muyang at Jerrick Ba-lanza na inaasahang magiging haligi ng Knights sa kanilang kampanya.

“Although walang foreign student-athlete, ang strength namin ay sa bigs pa rin. Nadagdagan pa nga kami ngayon so we want to utilize and maximize ‘yung bigs naming,” saad ng bagong mentor ng Letran na si Bonnie Tan.

Si Tan na dating gumabay sa Lyceum of the Philippine Pirates team ay pinalitan si Jeff Napa bilang head coach ng Letran.

Huhugot din ng lakas si Tan sa mga bagong player na sina Neil Guarino, Pao Javillonar, Allen Mina, Mark Sangalang at Ato Ular.

Naka-recover na si Balanza sa kanyang brain surgery kaya handa na rin siyang pasanin ang iaatang na responsibilidad na iniwan ng mga dati nilang star player. (Elech Dawa)