Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balasahan sa PNP nakaumang

0 230

Inaasahan ang panibagong reshuffle sa Philippine National Police (PNP) sa linggong ito matapos ang pagreretiro ng ilang mataas na opisyal dahil sa pagsapit ng kanilang retirement age na 56-anyos.

Ayon kay PNP Spokeperson Brig General Ildebrandi Usana, sa Abril 9 ay nakatakdang magretiro si PNP Comptroller Police Major General Emmanuel Licup habang si Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, deputy chief for operation at commander ng Joint Task Force Covid Shield, ay nakatakdang magretiro sa Abril 24.

Sina Binag at Licup ay mula sa Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987 at mistah nila sina PNP chief General Debold Sinas at PNP number 2 man na si Police Lt. General Guillermo Eleazar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sina Sinas at Eleazar ay nakatakda ring magretiro ngayong 2021, Mayo 8 si Sinas at kung ang seniority ang susundin ay papalitan siya ni Eleazar na magreretiro naman sa Nobyembre 13.

Samantala si Usana ay nakatakda ding magretiro sa Abril 20. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.