Abante Tonite Interactive

Balat ng tilapia gamot sa hapdi at impeksyon

By
263

Malaki umano ang maitutulong ng balat ng tilapia (tilapia skin) para mapagaling ang mga taong napaso ng apoy.

Sa Brazil, ang fish farming ay isang malaking negosyo, pero ang mga ­balat ng “farmed” tilapia ay tinatanggal at itinatapon kaya naisip ng mga doktor na mag-expe­riment gamit ang balat ng tilapia.

Nabatid na matapos malinis na mabuti ang balat ay ginamit itong ‘bandages’ sa nasunog o napasong bahagi ng katawan ng isang tao.
Sa pananaliksik, na­laman na ang balat ng tilapia ay mayaman sa co­llagen proteins, na makakatulong para maghilom ng sakit at infection sa sugat.

Nabatid na sa ibang bansa kung saan ginagamit ang human skin, pig skin at iba pang artipisyal na bandage, ginagamit ang tilapia skin kapag nagkakaroon ng shortage.

Ayon sa Brazilian doctor, masakit ang magpalit ng mga bandage sa mga paso at hindi rin ito nakaka­tulong para maghilom ang sugat pero nang subukan ang balat ng tilapia, hindi lamang araw kundi hanggang linggo ito maaaring gamitin kung saan hinahadlangan nito ang kontaminasyon at nababawasan ang sakit at ma­ging ang gamot na kakailanganin para mabawasan ang sakit.

Noong Agosto 2, sinubukan ang paggamit ng tilapia skin sa mga sugatang black bear sa naganap na Cali­fornia Wild Fire at na­ging maganda ang resulta nito sa mga ginamot na oso.

Makalipas lamang ang ilang linggo, nagbalik na sa dati ang balat at gumaling kaagad.

Sa kasalukuyan, may 52 pasyente na nagkaroon ng burn skin ang ginamitan ng tilapia skin at lahat sila ay hindi kinakitaan ng komplikasyon.