Abante Tonite Interactive

Balato ni Pacman, peke

By
7,217

Fake news ang kumakalat sa Facebook na mamimigay raw ng bahay at lupa si Sen. Manny Pacquiao sa 60 katao bilang balato niya sa kanyang pagkakapanalo.

Kasalukuyang viral ngayon ang Facebook post na diumano ay ga­ling kay Pacman kung saan ay inaanunsyo niya ang pamimigay niya ng balato.

“Dahil panalo ako at panalo ang Pilipinas. Mamimigay ako ng kaunting balato. Pipili ako ng 60 katao na bibigyan ko ng house and lot.

“Sundin lang ang mga dapat gawin upang mapabilang sa puwedeng mapili ko. 1. i Like ang page na ‘to –> Sen. Manny Pacquiao 2. I Share ang post nato.3. Comment “Congrats” SA MISMONG PHOTO.
“Goodluck!”

Ito ang nakasaad sa FB post na diumano ay galing kay Sen. Pacquiao at napakarami namang sumunod sa mga instruction na umasang totoo nga ito.

Kahapon ay nagbigay na ng statement ang senador na ipinost ng GMA-7 sa Instagram account.
“Official Statement.

“Nakarating sa aking kaalaman na may mga kumakalat na balita sa social media na ako ay mamimigay ng mga premyo bilang balato dahil sa aking pagkaka panalo. Nais ko pong ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang mga ito. Fake news po ang contest na ito kaya’t huwag po kayong maniniwala at magpapaloko sa maling balita. Salamat po—Manny Pacquaio,” ang post ng GMA-7.
***

Rocco nag-sorry kay Jolo

Humingi na ng paumanhin si Rocco Nacino sa tweet niya tungkol sa “bola muna bago droga” blooper ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Isa kasi si Rocco sa nag-react sa nasabing pahayag ni Jolo sa interview nito kamakailan matapos ang pa-liga niya ng basketball sa Bacoor, Cavite.

Sa nag-viral na video ni Jolo, makikitang nagpapa­salamat si Jolo sa mga taga-Bacoor sa successful basketball game at sa huli ay sinabi niyang “tama iyang ginagawa n’yo – bola muna bago droga” pero kaagad naman niyang kinorek, “actually, bola, hindi droga.”

Pero nevertheless, kahit ikinorek niya naman agad ito, binatikos pa rin ng mga netizen ang maling dialogue ni Jolo kasama na si Rocco.

Nag-tweet si Rocco ng “Bola muna bago droga..” sarap sampalin” na umani rin ng katakot-takot na pangba-bash mula sa mga netizens at tinawag siyang mayabang, pabibo, papansin, etcetera.

Pero kahapon, burado na ang tweet na ito ni Rocco at may bago na siyang post na humihingi ng paumanhin.

“Mali na magcomment ng ganon, pasensya na at ako’y humihingi ng tawad sa mga nagalit. It just really made my day! at the end of the day, tao nga lang talaga tayo lahat nagkakamali hehe,” ang tweet ni Rocco.
***

Chai natakot

Matagal na palang gumagawa ng mga short film ang Cebuana actress na si Chai Fonacier pero nagsimula siyang mapansin sa industriya nang mapanood siya sa Patay na si Hesus last year bilang si Jude na isa sa anak ng karakter ni Jaclyn Jose.

Pagkatapos nito ay nagsunod-sunod na ang pelikula ni Chai at ngayon ay bida na siya sa pelikulang Pinay Beauty (She’s No White) kasama si Edgar Allan Guzman na isa sa official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino under Quantum Films.

Bukod dito ay may teleserye na rin siya na ipalalabas. Kasama siya sa cast ng Halik with Sam Milby and Jericho Rosales ng ABS-CBN.

Ano ang feelings niya sa lahat ng magagandang nangyayari ngayon sa kanyang career?

“Steady lang,” sagot ni Chai nang makausap naming kahapon sa presscon ng Pinay Beauty (She’s No White). “Nakaka-overwhelm siya. There was a time na na-overwhelm ako na masyadong napakasaya ng nangyayari, sunod-sunod.

“Tapos biglang natakot ako. So ngayon, hindi ko muna iniisip kung gaano kalaki ‘yung mga nangyayari o kung gaano kaliit. Steady lang muna para hindi ako ma-overwhelm,” sey pa ni Chai.

Mula sa direksyon ni Jay Abello, ipalalabas na ang pelikula sa Aug. 15-21 at kasama rin sa movie sina Maxine Medina, Janus del Prado, Nico Antonio, Hanna Ledesma at Mariko Ledesma.