Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baldwin naglalaway kay Clarkson

0 434

Dalawang kamay sasalubungin ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc-Gilas Pilipinas program director Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin sakaling makapaglarong muli sa bansa si National Basketball Association journeyman Jordan Clarkson mapa-local o naturalized player uli.

Inamin ng American-Kiwi coach na gusto niyang makasama ang 28-year-old, 6-foot-5 Fil-Am combo guard ng Utah Jazz at 2018 Indonesia Asian games veteran sa Pinoy quintet para sa 19th International Basketball Federation World Cup 2023 sa ‘Pinas-Japan-Indonesia .
Hinirit ng former Gilas coach na maargumento pa rin ang classification ng Fiba kay Clarkson bilang naturalized player, pero nilalaban ng SBP na maging regular dahil nakasasalay ang frontline ng Gilas.

“If for some reason, Fiba made him a local player, not have to be in the naturalized category, I’ll walk over broken glass and take him a week before. There’s no question about that,”ani Baldwin sa Zoom In episode ng SPIN Huwebes.

Isang naturalized player lang ang pinapayagan bawat bansa sa Fiba-sanctioned tournaments at kung ilalagay siya sa puwesto, lilit ang fronliner ng team.

Mga center ang huling dalawang naturalized sa Gilas, sina Marcus Douthit at Andray Blatche. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.