Abante Tonite Interactive

Balik-aksyon nina Aguilar, Wright ‘good vibe’ sa SBP

By
670

Kontento ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa roster adjustment ni coach Yeng Guiao sa Team Pilipinas na ilalaban kontra Qatar sa closed-door game ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Welcome development sa SBP ang pagbabalik sa national team nina Japeth Aguilar at Matthew Wright pagkatapos ng one-game suspension mula sa FIBA dahil sa pagkakasangkot sa gulo kontra Australia noong Hulyo 2.

“Japeth’s quickness, perimeter scoring as well as his above the rim athleticism combined with his vast experience in the international brand of play will surely be an added boost in our battle against Qatar,” anang statement ni SBP president Al Panlilio. “Matthew Wright is a knock-down shooter from the 3-point area.”

Malaming ang outside shooting ng Nationals sa 81-73 loss sa Iraq noong Setyembre 13, umaasa ang SBP na sa pagbalik ni Wright ay masosolusyunan ito.

Si Stanley Pringle ang gagamitin ni Guiao bilang naturalized playe­r kahalili ni Christian Standhardinger.

Dadalhin ni Pringle ang bilis kontra Qataris, mas loaded ang guard rotation na mayroon pang Paul Lee, Alex Ca­bagnot, Marcio Lassiter at Scottie Thompson.

“The inclusion of Stanley Pringle will add stability in our guard rotation as we want to take advantage of our quickness against the guards of Qatar,” dagdag ni Panlilio.

Kukumpleto sa final roster sina Beau Belga, Poy Erram, Ian Sangalang at Asi Taulava.