Abante Tonite Interactive

Balik bansa ng mga OFW mula sa Middle East, na-delay sa pagsabog ng Taal

307

Naantala ang homecoming ng mga Pilipino na mula sa Middle East matapos sumabog ang Taal Volcano.

“Mayroon na sanang aalis sana dun, hinold ni Secretary Cimatu ata pero hihintay nila mag-open itong airport…If the airport can accept their flights, then makakauwi na sila,” pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Nitong Linggo, Enero 12 isinara ang NAIA matapos magbuga ng ashfall ang bulkan sa ilang parte ng Luzon.

Nag-resume ang partial operations nitong Lunes ng umaga. (IS)