Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balik biyahe ng MRT, LRT nilimitahan

0 169

Bagama’t magbabalik-biyahe na ang mga railway system sa Metro Manila, limitado naman muna ang operasyon nito para isalang ang kanilang staff sa COVID-19 testing.

Sa MRT-3, tanging 10 hanggang 12 tren lamang ang papatakbuhin, na may 372 pasahero kada biyahe.

Magkakaroon naman ng mga bus para alalayan ang dagsa ng commuter na titigil sa mga istasyon ng North Avenue, Quezon Avenue, GMA Kamuning, Santolan, Ortigas at Guadalupe.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa LRT-1 naman, 17 tren lang ang pagaganahin, puwedeng sumakay ng bus ang mga maapektuhang pasahero mula Monumento hanggang EDSA.

Limang tren lang ang bibiyahe sa LRT-2.

Matatandaan na inanunsyo ng Department of Transportation na ilang personnel ng MRT-3 ang nagpositibo sa COVID-19 bago ang Semana Santa. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.