Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balik eskuwela ng mga medical student depende kay Digong

0 165

Pinag-aaralan pa ng Malacañang ang mungkahing ibalik na ang face to face class subalit para sa mga medical school lang sa bansa.

Nauna nang nagpahayag ng suporta si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. para sa pagbabalik ng face to face class sa mga medical school dahil kailangan aniya ang mga doktor ngayong panahon ng pandemya.

“Ang alam ko may mga proposals na magkaroon ng face to face lalo na sa mga medical schools dahil kinakailangan natin ng mga doktor sa panahon ng pandemya, iyan po ay pag-aaralan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Subalit depende aniya ito kung aaprubahan ng Pangulo ang naturang mungkahi. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.