Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balik eskuwela pag-uusapan pa sa IATF

0 349

Wala pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung papayagan ang balik eskuwela na itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 24.

Sa kanyang mensahe sa publiko noong Biyernes, sinabi ng Pangulo na pag-uusapan pa nila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang petsa ng balik eskuwela.

“On the next meeting, we will decide on the actual date of how to open the schools,” ayon sa Pangulo.

Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng face-to-face classes habang wala pang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (2019).

“Ang akin, basta mabakunahan lang. I’m talking about within the months of October, November, December,” aniya pa. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.