Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balik-eskuwela susubukan `pag marami na bakunado

0 104

Posibleng ikunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng pilot face-to-face classes sa sandaling marami na ang nabakunahan sa Metro Manila at sa ilang lugar sa bansa.

Tugon ito ng Malacañang sa babala ng United Nations Children’s Fund

(UNICEF) at National Economic and Development Authority (NEDA) na posibleng magresulta sa mental distress, kawalan ng interes mag-aral ng mga estudyante at pagsasara ng mga paaralan na hahantong sa paghina ng ekonomiya kapag hindi nagkaroon ng face-to-face classes.

“Ang sabi po ni Presidente, baka i-consider na niya ang pilot at least kapag marami na ang nabakunahan. Hayaan n’yo po munang magkaroon ng kumpiyansa ang Presidente bago pagpasyahan ang muling pagbabalik sa classroom ng mga estudyante,” sabi ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.