Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balik-eskuwelahan pinalalarga sa mga probinsya

0 283

Ilang mambabatas ang humirit sa Department of Education (DepEd) na tingnan ang posibilidad na magsagawa ng limitadong face-to-face class sa mga lalawigan na wala nang kaso ng COVID-19.

Sa pagdinig ng House committee on basic education tungkol sa pagpapatuloy ng face-to-face class, sinabi ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero na ilang lugar na sa probinsiya ang maaari nang magsimula ng balik-eskuwelahan.

“Probably DepEd should run through the provinces, kasi there are some areas in the provinces na puwede na silang mag-face to face kasi wala naman doon masyadong cases. Like for those na malayong-malayo na talaga, I think they should consider that already or suggest to the President,” pahayag ni Escudero.

Ginawang halimbawa ng kongresista sa kanilang probinsiya na may mga lugar na aniya kung saan puwede nang magkaroon ng face-to-face class. Subalit nilinaw din nito na hindi pa puwedeng gawin ito sa mga siyudad o mga sentro ng bayan.

Samantala, sa naging presentasyon sa komite, sinabi ng DepEd na 589 paaralan ang may planong makiisa sa rollout ng limitadong face-to-face class. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.