Abante Tonite Interactive

Balik-ganda ng Manila Bay ipapasilip na!

433

Malapit nang ma-enjoy ng mga turista sa Kalakhang Maynila ang kagandahan ng paglalakad sa baybayin ng Manila Bay sa sandaling opisyal na buksan ito sa publiko.


 Sa isang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, sa ginawang pag-iikot sa Rizal park, magtatayo ang national government ng 50-metrong beach at water treatment facilities kung saan ang tubig na dumadaloy papuntang baybayin ay matitiyak na malinis na bago makarating ng Manila Bay.


Noong January 27, sinimulan na ng national government ang rehabilitasyon ng sikat na lugar, na madalas puntahan ng mga tao upang panoorin ang paglubog ng araw, dahil sa mga toneladang basura na nakolekta.


Sabi ni Moreno, ngayon ay pinagtutulungang linisin ang baybayin ng Department of Environment and Natural Resour­ces (DENR), Department of Tourism (DOT), at ang Department of the Interior and Local Government (DILG).


Aniya, humiling ang Department of Public Works and Highways (DPWH), DOT, MMDA, at ang DENR sa lokal na pamahalaan ng isang lugar na malapit sa Yacht Club upang makapaglagay ng water monitoring system.


Una aniya niyang binisita ito may isang linggo na ang nakakalipas, ngayon ay naglalagay na sila ng mga tubo para sa water treatment facilities.


Umaasa ang alkalde na sa unang quarter ng susu­nod na taon o huling bahagi ng taon ito mabubuksan. (Mina Aquino)