Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balik praktis ng atleta hiling ni Fernandez

0 263

Ieendorso ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbabalik ensayo ng apat na qualified athlete at ilang aspirante sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Pinangunahan ng PSC Board ang virtual meeting kina POC President at Cavite Eight District Rep. Abraham Tolentino at POC Secretary General Atty. Edwin Gastanes kamakalawa saka nagkasundo kumuha ng permiso kay IATF-EID Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

“We initiated the meeting with POC for the good of our national athletes in mind. Lagi ‘yan priority as Chairman Butch (William Ramirez) always say,” ani PSC Officer in charge, Commissioner Ramon Fernandez kahapon.

Giniit niyang hindi magpapapetiks-petiks ang Board upang matiyak ang momentum ng Olympic hopefuls sa kabila na may COVID-19 para makapag-ensayo sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at sa PhilSports Complex sa Pasig. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.