Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balik prangkisa ng ABS-CBN malabo pa – Defensor

0 98

Para kay AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor, hindi maaaring kilalanin at uusad ang bagong panukala para sa panibagong prangkisa ng ABS-CBN hangga’t hindi muna iatras o bawiin lahat ng nakabinbing pang panukala ukol dito.

Nabatid na mayroong 12 panukala ang inihain sa Kamara ngayong 18th Congress kaugnay sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN.

Inihayag ito ni Defensor matapos na maghain si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ng panibagong panukala para mapagkalooban ng prangkisa ang ABS-CBN na ipinasara nang ibasura ng House committee on legislative franchises ang aplikasyon nito.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ni Defensor, vice chair ng komite, nang ibasura ang franchise application ng ABS-CBN noong Hulyo 2020, ang panukala ukol dito ay isinasantabi lamang na nangangahulugan na lahat ng panukalang may kinalaman sa Kapamilya network ay nananatili pa ring buhay at hindi pa naibasura.

“So can anyone else file? No, because there is already a bill,” paglilinaw ni Defensor.

Dagdag ni Defensor, “Ano ang pinakamadaling solusyon kung gusto nila ulit simulan ito para sa committee? Lahat ng mga original na nag-author from Day 1, `yong labindalawa na gumawa ng renewal of franchise should all withdraw and a new franchise law should be filed.” (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.