Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balik-trabaho sa natenggang OFW ilalaban ng gobyerno

0 267

Tiniyak ni Labor Seceetary Silvestre Bello III na gagawin lahat ng gobyerno ang paraan para maibalik sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kanilang trabaho sa abroad dahil sa coronavirus disease.

Ayon kay Bello, titiyakin ng gobyerno na muli silang kukunin ng kanilang mga employer sa sandaling magbukas na ng kanilang ekonomiya ang maraming bansa sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Many governments went ahead of us in easing restrictions. Their industries are almost fully operational again by now. They could recall our OFWs anytime,” ayon kay Bello.

Nakahanda umano ang Gobyerno na magkaloob ng tulong kung talagang kakailanganin ng mga OFWs.

“They might ask more requirements from our OFWs like government certifications to prove they are not a threat to the health and safety of their people. We can do that,” dagdag ni Bello.

Kung kinakailangan umano na isakay pa sa mga chartered flights ang mga OFWs ay pipilitin ng gobyerno. (Juliet de Loza-Cudia/Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.