Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balikang JoshLia kakarampot ang happy

0 471

Lilinis at lilinaw na ba ang tubig sa Baseco Bay ngayong may balik-tambalan sina Joshua Garcia at Julia Barretto? Hindi.

Eh ang Mutya ng Pasig, muli bang aawit at maririnig ang kanyang soprano ngayong sinusundan muli nila Garcia at Barretto ang isa’t-isa saTwitter. Of course not.

Eh Ang Manila Bay ba, hindi na murky at malansa ang hanging maaamoy ngayong opisyal na talaga na ang “Love Unlock” ay ipapalabas na sa Kapamilya Online Network sa araw ng sweldo ngayong buwan? Nay at nada, siyempre.

Dahil pulos “negative” ang sagot sa mga tanong, hindi ba kataka-taka at talaga namang nakakahibang na may kakarampot na nagbubunyi sa kanilang pagsasamang muli?

At please, huwag sanang gamitin ang “reunited and it feels so good” at ang “and now we are starting over again” pampakikig to drumbeat interest sa tambalang winakasan na ang kanilang “real” status with a tandang pandamdam. Super gullible lang ang maniniwala na may pag-asa pa ang dalawang magkakabalikan bilang romantic lovers matapos ang masalimuot na pagtatapos ng kanilang showbiz relasyon.

Sa fans ng tambalan nina Janella Salvador at Garcia na marami ang nanalig na mapupunta sa panmalakasang romansahan, magpuyos kaya ang kanilang mga damdamin, sumiklab ang poot at suklam? May chance na ikakasa nila ang kanilang bashing at hating power ang pupukulin in a major, major way, sino pa nga ba kundi si pretty Ms. Julia.

Paano nga kaya talaga tatanggapin sa digital universe ang balik tambalang Julia Barretto at Joshua Garcia? Mas lalo kaya silang mamahalin this time around lalo na nga’t acting wise, mas magaling sila kesa sa third love team force na sina Liza Soberano at Enrique Gil? Relatively young pa kasi sila kung ikukumpara sa tulad nina Dawn Zulueta at Richard Gomez na naging real life lovers, nagkahiwalay pero talagang inaabangan pa rin ang mga pinagsasamahan, mapa-pelikula man o sa telebisyon.

Kaabang-abang o kahikab-hikab, which is which? Spin a win.

Matindi ang parunggit kay Revillame

Papangalanan pa ba natin ang manunulat sa isang portal na may matinding parunggit kay Willie Revillame? Huwag na. Pag hindi naman kumikilos ayon sa kaniyang ganda at wala rin pribelihiyong magsuplada, hayaan na lang natin sa kanyang mga kuda.

Hindi ba dapat, ang natural na reaksyon, matapos mong malaman na ang isang taong kagaya ni Revillame, nag-pledge at alam mong hindi drawing dahil bukas naman ang kasaysayan patungkol sa mga tinulungan na niya at matutulungan pa, ay pasasalamat at tuwa? Kasi nga ilang milyon ang inilaan para sa displaces jeepney drivers, dapat mas malugod ang pagtanggap rito kasi nga marami ang madudugrungan ang pangangailangan sa kanilang mga buhay? Kaya hindi ba parang wala sa katinuan at katwiran ang kahit sino man magsabi na ang pangyayaring ito ay isang pagyayabang? Juice colored! Ano ang pinaghuhugutan ng ganyang hanash?

Sige, kung “responsableng pamamahayag” iyan para sa iyo at since nasa demokrasya tayo, hindi ko babasagin ang hanash mo. Pero hindi ibig sabihin nun ay kapuri-puri ang bagsik at talas ng dila mong wala sa lugar.

Tumulong na nga, may paratang pa na nagyayabang? Paano na pala kung hindi tumulong si Willie, mas totoo ba para sa iyo na siya ay maging makasarili at hayaang magdusa ang mga nangangailangan? Mas tiwasay ba ang iyong damdamin if Revillame chose to look the other way and made deadma the pleas of the manong and kuya drivers? Mas ikaliligaya mo pa yata na mamuti ang mga mata nila sa gutom at hapis kesa sa pagbibigay ayuda ni Willie na minamasama mo pa?

Sa panahon ng pandemya, kalimutan na muna ang political affiliation at colors dahil ang mas importante, we do our share in giving assistance to the descamisados at outcast.

Di ba umpisa pa lang sinabi na ni Willie, “I am willing to give, sa akin pong naipon, hindi naman ito pagmamayabang, ito lang ang puwede kong maitulong sa gobyerno,”

Saludo ang diva that you love sa kabutihan ni Willie Revillame. At sa nagmamaganda who will forever be nameless, hiyang-hiya naman ako sa iyo. Eewww.

Kiray engaged sa jowa

There can be miracles if you believe kaya milagrong bang matatawag kung saka-sakaling engaged na si Kiray Celis?

Kinikilig ba kayo o mas nagdabog ang inyong bangs in a major, major way? Sa IG post kasi ni Stephan Estopia, ang lalaking iniirog ni Celis, may identical sinsing silang suot, siyempre pa sa kanilang palasingsingan at may kuda ang hombre na: “ikaw na papakasalan ko.”

Kung may ganitong pangungusap at parehong-pareho ang suot nilang finger accessory, ano pa dapat ang maging konklusyon natin?

Kung saka-sakaling nga na engaged na sila Kiray at Stephan, ang tanging hiling ko lamang, mag-practice sila ng social distancing . Iyan ang utos mula sa best and the brightest, hindi ba? Nakakatalino, right? Hahahaha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.