Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balikbayan ang mga imported isda sa PH

0 53

Hindi magtataka ang mga Pilipinong mangingisda kung ang 60,000 toneladang iaangkat na isda ay galing din sa mga karagatan ng bansa.

Tinuturing ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) nabalikbayan ang mga ibebentang imported galunggong sa bansa.

Ayon sa Pamalakaya, laganap ang pangingisdang mga barkong galing China at Vietnam sa West Philippine Sea kaya’t hindinakapagtataka kung doon galing ang mgaibebenta nila sa Pilipinas.

“Literal tayong ginigisa sa sarili natingmantika,” sabi ni Pamalakaya chair Fernando Hicap.

Sinulong ng Department of Agriculture angpag-aangkat ng 60,000 toneladang isda dahilsa paniniwala nitong may shortage ngayong closed fishing season sa ilang bahagi ng bansa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.