Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balikbayan, dayuhang asawa welcome na sa ‘Pinas

0 153

Simula sa Disyembre 7, maaari nang isama ng mga Pilipinong balikbayan ang kanilang dayuhang asawa at anak pag-uwi sa Pilipinas pero dapat sumunod sa ilang kondisyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinahintulutan na ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, kasama rin sa pinayagang makauwi ang mga dating Filipino citizen, kasama ang kanilang asawa at mga anak.

Kailangan lang umanong magkaroon ng pre-booking para sa quarantine facility gayundin sa COVID-19 testing sa laboratoryo na nag-ooperate sa paliparan. Inatasan na ng IATF ang Bureau of Immigration para gumawa ng guideline upang maayos itong maipatupad. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.