Abante Tonite Interactive

Balimbing agad: Gary pinagdasal si Digong

1,182

Nagbubunyi ang mga DDS panatiko sa pahayag na ito ni Gary Valenciano: “To our president, President Rodrigo Duterte, there are so many opinions after each time you speak, but I choose to look over all that’s said and simply follow what I know my God wants me to do; and that is to keep you covered in prayer. God bless you sir…God bless us all.”

Bukas na kasaysayan ang pagiging VP Leni Robredo supporter ni Valenciano kaya para sa DDS panatiko, shout for joy silang lahat sa kanilang pakiwara na finally, “enlightened” na ang karibal ni Martin Nievera dahil he is covering the President with prayers.

Wala namang mali sa post ni Gary at hindi ako nanalig na siya ay full pledged DDS supporter na.

Ang Pangulo, talagang dapat ipagdasal lalo na nga’t halos mag-iisang buwan na ang enhanced community quarantine. He needs all the Divine Guidance mula sa Diyos para mapamahalaan at matugunan ng maayos ang krisis na dulot ng pesting veerus na lahat tayo ay apektado.

Kailangan niya talaga ang kaliwanagan from Above para ma-crystalize at ma-concretize ang mga hakbang para ma-address ang societal, cultural, economic at political implications ng extended quarantine na ito.

Hindi po bumalimbing si Gary Valenciano. Alam niya na the president needs all the prayers para mas maayos niya tayong mapamahalaan.

Andres, Mavi pinagsasabong

Parehong artistahin ang kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach, sina Andres at Atasha. Silang dalawa ay buhay na patotoong improvemant of the race.

Siyempre pa, kahit kagandahan ang pretty young Ms. Muhlach at malamang kung papayag si Aga at ang mommy dearest niyang si Charlene, kung bet ni Atasha, maari siguro nitong sundan ang yapak ng nanay niya na maging beauty queen. Malay mo, malay ko, malay nating lahat destined na maging 5th Ms. Universe ang dalaga na sa kasalakuyan ay 19-years old na.

Siyempre pa, para sa mga sangkabekihan at fag hag, all eyes are on the tall Andres na sa isang popular na pink portal, may appreciation post na.

Sa nasabing post, ang young master Muhlach ay nakahubad baro, obviously having the time of life, at may tuwalyang nakatakip sa kanyang nubile ari-arian kaya hindi napagtanto ng mga bekibel kung siya ay alagad ni Felix Bakat. Ang savage! Hahahaha.

Sa true lang, kung sawa na si Andres sa pag-dri-dribble ng basketball at showbiz ang susunod niyang play ground, bonggang-bongga kung sila ni Maverick Legaspi ang pagtatapatin, hindi ba naman?

Salpukan ng mga tisoy! Magtatagisan ang dalawang binatilyong parehong may kakambal. Walang duda na kaabang-abang ang nasabing rivalry kung sakali-sakali, hindi ba naman?

Sino ang inyong mas iibigin? Kanino kayo mas kikiligin?

Tonite – Wendys Inhouse Ad