Abante Tonite Interactive

Baling daliri ni Lee ‘di problema sa Game 4

By
1,363

Ipinagkibit-balikat lang ni Paul Lee ang injury sa kanyang right middle finger na nakuha sa Game 3 ng PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.

Tiwala ang combo-guard ng Magnolia Hotshots na makakalaro din sa Game 4 bukas, Miyerkoles.

May 9 minutes pa sa fourth quarter, sumundot si Lee pagkatapos ng jumpball pero biglang bawi ng kamay at napangiwi sa sakit.

Abante Hiring – IT dep

Namaga ang kanyang right middle finger.

“Pagsundot ko, tumama sa tuhod ni Matt (Ganuelas Rosser),” ani Lee na tumapos pa rin ng 15 points.

Nilabas ni coach Chito Victolero si Lee habang lamang ang San Miguel Beer 83-71 at hindi na binalik.

“Nag-decide na rin ako to rest Paul in preparation for our next game,” lahad ni Victolero.

Sadsad ang Hotshots 111-87 at naiwan sa best-of-seven series 2-1.