Abante Tonite Interactive

BaliPure hinigop ni Tubino, Army

0 138

STANDINGS
TEAMS W L
Creamline 8 0
BanKo 5 2
PetroGazz 5 2
Motolite 4 2
PacificTown-Army 3 3
Choco Mucho 2 5
BaliPure Purest 2 5
Philippine Air Force 2 5
Chef’s Classic 0 8

Mga laro sa Sabado: (The Arena-San Juan)
2:00 p.m. – Chef’s Classic vs Creamline
2:00 p.m. – Air Force vs Pacific Town Army

Pabibo si Honey Royse Tubino ng 13 points tampok ang ang 12 attacks nang mawalis ng Pacific Town-Army ang BaliPure Purest, 25-12, 26-16, 27-25, sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Open Conference 1st round elims Miyerkoles nang gabi sa The Arena-San Juan.

Ang kayod ni Tubino ang nagkaloob ng ikawalang sunod na panalo sa Lady Troopers para 4-3 kartada at makapitan ang fifth spot sa standings ng midseason women’s indoor volleyfest, tinabig ang Water Defenders sa ilalim sa 2-6 at lagpak sa seventh.

Prinotektahan naman ni Anngela Nunag ang lapag ng BGC, Taguig-based squad nang umarya ng 12 digs at 12 receptions upang panatilihin ang kanilang ratsada at panatilihing naghihinagpis ang kalaban.

Kulang pa rin talaga 13 points ni Grazielle Bombita matapos silang talunin muli at makakuha ng ikatlong sunod na talo.

“Pipilitin naming makatatlo,” deklarasyon ni coach Emilio Reyes, Jr. “Atleast yung turning point namin dun sa Chef’s nasundan ulit ngayon.” (Aivan Denzel Episcope)