Abante Tonite Interactive

Balitawit

By
285

Hanggang ngayon ay tila nag-uumpugang bato ang mga legal expert pagdating sa usapin nang pagbawi ng Amnestiya kay Sen. Antonio Trillanes.

Unang tanong ay kung tama ba ang naging pagbawi? Hindi lang naman si Trillanes ang napagkalooban ng amnestiya.

Maraming coup plotter at rebelde ang nabigyan muli ng pagkakataon dahil sa ipinatupad na amnestiya at kasalukuyang naglilingkod sa gobyerno at pribadong establisimyento.

Sa pagpasok ng linggong ito, malalaman natin kung may nalabag ba na batas ang senador o bahagi ng panggigipit sa kanya.

MANILA (Hotdog)

Maraming beses ka na niyang inupakan…

Tinitira at laman sa huntahan…

Parang bababeng kay hilig talaga sa putakan..

Ikaw lamang ang paborito niyang binabalikan…

(DUTERTE, DU­TERTE, DUTERTE, SAGLIT NA LANG, AALIS NA! Para!)

SI TRILLA, SI TRILL­A

IKAW LANG PARA KAY TRILLA

Simply no MAN like SI TRILLA

SI TRILLA, ba’y coming home?

Nagtatago raw sa Senado…

Sa Padre Paura tumakbo…

Mga records niya ay ‘missing’

Sino sa inyo may trililing?

Hinahanap-hanap na nga si Trilla!

Ang ingay niyang kay sakit sa tenga

Mga depensa niya’y nagliliparan

Calida’t Guevarra ay naggagalawan…

Take him back na sa jail si Trilla…

At promise n’yo you’ll never let go

Promise n’yo you’ll never let go

Si Trilla, Si Trilla,

Miss you like hell, o Trilla..

No place in the world like Manila

Sa City Jail mag-stay…

Lord Ikaw na ang bahala!