Abante Tonite Interactive

Baliwag bus terminal sa QC pinasara

0 243

Ipinasara ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang bus depot ng Baliwag Management Corporation sa North Avenue, kasama ang mga opis­yales ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkoles nang umaga.

Dahil sa paglabag sa Revenue Code, pinasara ni QC Mayor Joy Belmonte ang nasabing bus terminal na umano’y ginagamit ang pasilidad nang walang kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan.

Aniya, nadiskubreng lumabag sa QC Revenue Code partikular na ang kawalan ng special use permit mula sa Business Permit and Licensing Department ng QC Hall at walang traffic clearance mula sa Department of Public Order and Safety ng QC go­vernment ang nasabing kompanya ng bus.

Ayon sa alkalde, ang naturang garahe ng Baliwag ay hindi umano puwedeng gamitin dahil walang permit mula sa lokal na pamahalaan at ang ipinapakita lamang na dokumento ay ang kanilang locational clearance permit ng kanilang EDSA-E. Rodriguez terminal. (Dolly Cabreza)