Abante Tonite Interactive

Balkman, Alab sinapawan si McKinney, Black Bears

By
0 162

Laro ngayon:
(Changhua City, Taiwan)
3:00pm — Formosa Dreamers vs Alab Pilipinas

Tiniris ng San Miguel Alab Pilipinas ang Macau Black Bears na kinabibilangan ni Fil-Am guard si Mikh McKinney 101-96 Biyernes ng gabi sa 2019 ASEAN Basketball League (ABL).

Bumangon ang defending champs sa 11-puntos na paghahabol sa pagtutulungan ng triumvirate nina PJ Ramos, Renaldo Balkman at Bobby Ray Parks upang tabunan ang 50-puntos na laro ni McKinney sa San Juan Arena.

Abante Hiring – IT dep

Ang ipinakitang laro ng Alab ang nagpreserba sa malinis at walang talo nitong record sa home court sa kinolektang diretsong 12 panalo at manatili sa ibabaw ng standings na may 18-4 panalo-talong kartada.

Binalewala ni Balkman ang pagdugo sa kanyang ilong upang muling halos makapagtala ng triple-double sa kinolektang 26 puntos, 11 rebounds, walong assists, isang steal at isang block para pamunuan ang mga Pinoy.