Abante Tonite Interactive

Balkman, Fajardo sinagip ang San Miguel

BUMALIKWAS!

By
2,926

Kumaripas sa second half ang San Miguel Beer para itaob ang TNT KaTropa 121-110 sa Game 1 ng kanilang PBA Commissioner’s Cup quarterfinals sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Puwedeng tapusin ng Beermen ang best-of-three series sa Game 2 sa Miyerkoles sa Big Dome din.

Ibinaon ni Renaldo Balkman ang 23 sa kanyang game-high 36 points sa third at fourth quarter para ibalik ang Beer sa laro. Dalawang field goals lang ang naipasok ng SMB import sa fourth, pero perpektong 7 for 7 mula sa free throw line.

Sa kabuuan, may 11 for 21 field goal shoo­ting si Balkman at 14 of 16 mula sa stripe. Nagbaba pa siya ng 16 rebounds, may four assists at tig-two steals at blocks.
Naiwan sa 40-21 ang SMB pagkatapos ng first 12 minutes, tambak pa rin 62-48 sa halftime.

“That game is really­ scary,” ani Beermen coach Leo Austria. “We din’t think na makakabalik kami from that big deficit, I think 22 points (23 points, 46-23).”

Pagbalik mula sa break, nagising ang Beer at tinapos ang quarter sa 38-26 para dumikit 88-86 papasok ng fourth.

Sa third ay may 12 markers si Balkman, umayuda ng 11 si June Mar Fajardo para pa­ngunahan ang atake ng Beer. Tumapos si Fajardo ng 27 points at 13 rebounds.

May 26 points pa si Marcio Lassiter mula sa 4 of 6 shooting sa 3-point range para sa SMB. Si Alex Cabagnot ay 1 for 9 lang sa field pero may six assists tulad ni Chris Ross.

“May be because of the experience of this team, alam nila how to get back from that deficit,” papuri pa ni Austria sa kanyang mga bataan na hindi sumuko.

Nanguna ang tig-17 points nina Roger Pogoy at Josh Smith sa Texters. May 10 points, nine assists at eight rebounds si Jayson Castro.