Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ball dumribol ng tripol-dobol

0 64

Naging pinakabatang player sa NBA history si point guard LaMelo Ball na nakapagsalansan ng triple-double nang magkamada ng 22 points, 12 rebounds at 11 assists para giyahan ang Charlotte sa 113-105 panalo kontra Atlanta sa 2020-21 NBA regular season game Sabado ng gabi sa Smoothie King Center sa Louisiana.

“A 19-year-old rookie does not look like this,” bulalas ni Hornets coach James Borrego. “This is rare, what you’re seeing.”

Noong Huwebes sa panalo laban sa kapatid na si Lonzo at New Orleans, kinapos ng isang assist si Ball (12 points, 10 rebounds) para sana sa unang triple-double ng career.

Wala lang kay Ball ang nagawa, darating at darating aniya ‘yun.

“I know that’s supposed to happen,” aniya, may isang matulis na behind-the-back pass para i-set up ang 3-pointer ni PJ Washington.

Si Markelle Fultz ang dating youngest NBA player na naglista ng triple-double, mas bata ng 177 days si Ball. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.