Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ball hihirit ng P11B kay MJ

0 72

Mukhang masasaid ang wallet ni Michael Jordan kay LaMelo Ball.

Sa mga naglabasang ulat, puwede nang humirit si Ball ng hanggang $202.5M (P11.2B) contract extension sa Charlotte Hornets.

Si Jordan ang may-ari ng Hornets.

Third pick overall ng Charlotte si Ball noong 2020.

SM food to go Banner Ad

Ang 20-year-old guard, 6-foot-7 point guard ang unang player ng prangkisa na magiging eligible sa rookie max extension.

Hindi na kataka-taka kung magpapaluwal ang Hornets dahil pamatay naman ang mga numero ng American cager sa nakaraang 77th (2021-22) National Basketball Association season. May 18.3 points, 6.4 rebounds, 7 assists per game.

Isa si Ball sa best passers ng NBA sa kasalukuyan.

Siya rin ang second youngest player – sa likod ni LeBron James – na naglista ng 700 assists. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.