Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baloria, Batangas raragasa

0 76

Kabilang si Juneric Baloria sa apat na lumipat at magpapalakas sa Batangas City Embassy Chill na pahahabain pa ang pananalanta sa tatlo sa pagpapatuloy ng 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022-23 elims sa Batangas City Coliseum ngayong Sabado.

Sasagupain ng Batangas (2-0) ang GenSan OK Bet (0-1) sa alas-9:00 ng gabi makalipas ang alas-7:00 ng gabing komprontasyon ng Sarangani Marlins (2-0)-Marikina Shoemasters (1-1).

Tinambakan ng Batangas ang Imus City Bandera, 76-56, at tinabig ang Pasig Sta. Lucia Realtors, 67-60, para maging patok laban sa GenSan na atat namang makaresbak buhat sa 76-81 tilapon kontra Bataan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.