Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baltazar atras sa PBA Draft

0 57

Atras sa nalalapit na PBA Rookie Draft si collegiate stalwart Justine Baltazar matapos ang kumpirmasyon ni league commissioner Willie Marcial nitong Huwebes.

Ibinahagi ni Marcial na nakatanggap umano ang mga ito ng sulat mula sa kampo ni Baltazar sa pag-atras ng basketbolista at inaasahang pagdribol nito sa Japan B.League.

Magugunita na matapos ang kampanya ng DLSU Green Archers sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kamakailan ay nagsumite ng application ang 6-foot-7 big man para sa PBA Draft.

SM food to go Banner Ad

Ekis naman nitong Miyerkoles at Huwebes si Baltazar, parte sa Mythical Five ng UAAP Season 84 men’s basketball, sa two-day PBA Draft Combine dahil sa iniinda nitong injury sa paa.

Samantala, nakatakdang i-finalize ng PBA ang mga rookie na sasabak sa Draft, Biyernes. (Abante Tonite Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.