Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baltazar, Kouame pasiklaban

0 119

Sapawan sina dating Gilas Pilipinas teammate Angelo Kouame ng Ateneo at Justin Baltazar ng La Salle sa rambol sa liderato ng Blue Eagles at Green Archers sa 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 men’s basketball elims ngayong Sabado ng alas-7:00 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.

Mauuna sa salpukan ng dalawang kampo na parehong may 3-0 win-loss slate ang bakbakang FEU Tamaraws (1-2)-NU Bulldogs (1-2) sa alas-10:00 ng umaga, UP Fighting Maroons (2-1)-UE Red Warriors (0-3) sa ala-1:00 ng hapon, at Santo Tomas Growling Tigers (1-2)-Adamson Falcons (1-2) sa alas-4:00 ng hapon.

SM food to go Banner Ad

“Gagawin lang namin ang best namin kasi school to school na’to eh, hindi na ‘to ‘yung teammates ko sa Gilas, iba na ‘yung usapan ditto,” ani Baltazar na gaya ni Kouame wapakels sa ex-Gilas player showdown. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.