Abante Tonite Interactive

Baltazar, La Salle patok laban sa UE

268

Mga laro ngayon:

(SM Mall of Asia Arena)

2:00pm — UE vs DLSU

4:00pm — Ateneo vs FEU

Pakay ni Justine Baltazar at ng La Salle Green Archers na madagdagan ang panalo kontra UE Red Warriors sa 82nd UAAP men’s basketball tournament 2019 1st round elims mamayang alas-2:00 nang hapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May 1-1 win-loss record ang Green Archers kabuhulan sa triple-tie sa fourth spot ang UP Fighting Maroons at FEU Tamaraws tapos panain Miyerkoles ang NU Bulldogs, 83-82.

Bumutas doon si Baltazar ng 23 points, kumalawit ng 10 rebounds, may 2 blocks at 1 assist, habang garahe si Jamie Orme-Malonzo ng 14 pts., 11 rebs., tig-i-1 ast., steal at swat.

Pero pinakamatindi ang winning jump shot ni Kurt Lojera para sa Taft-based cagers kaya liyamado sa nasa ilalim na karibal na walang nakukuhang panalo sa tatlong asignatura.

“Just handling the pressure. We approach every game understanding the fact that we don’t have any import and that we have to double our efforts when it comes to rebounding. I was just looking at the stats. I’m glad nanalo kami sa rebounding. It’s really one of our concerns as of this moment especially with UE that they’re playing today,” litanya ni DLSU coach Gian Nazario.

“Come Saturday, they have Adama (Diakhite). I don’t know how he’s doing now but Adama, (John) Apacible, guys who really crash the boards and even Jed Mendoza. Yun yung concern namin – rebounding and being disciplined in our defense.”

Huling tumilapon ang mga basketbolistang taga-Rector laban sa Adamson Soaring Falcons, 80-91, sa parehong araw. Maalat ang 20 markers, 7 boards, 6 feeds at 2 stls. ni Rey Suerte. (Janiel Abby Toralba)