Abante Tonite Interactive

Baltazar, Melecio pinasan ang La Salle kontra UE

By
211

 

Standings

 

W L
AdU 3  0
 Ateneo 2 1
 FEU 2 1
 DLSU 2  1
UP 1 2
NU 1 2
UST 1 2
UE 0 3

 

Sumiksik sa three-way tie sa second spot ang last year’s runner-up De La Salle University matapos kalusin ang naghihingalong University of the East, 82-72, kagabi sa 81st UAAP basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City.
Muling ipinaramdam nina Justine Baltazar at Aljun Melecio ang kanilang lakas upang sikwatin ng Green Archers ang pangalawang sunod na panalo.
Kumana sina Baltazar at Melecio ng tig-16 points upang ilista ang 2-1 card ng Taft-based squad La Salle habang nanatiling bokya sa panalo ang Red Warriors sa tatlong laro.
 Humarurot agad ang DLSU sa unang dalawang quarters, pinana ang 12-point lead, 39-27 sa halftime. Kasalo ng Green Archers sa second ang mahigpit na karibal na defending champion Ateneo Blue Eagles at Far Eastern University na nagwagi sa unang laro kontra University of the Philippines, 89-73.
Namuno sa opensa para sa UE si Alvin Pa­saol na nagtala ng 22 markers habang 14 at 11 ang inambag nina Jason Varilla at Philip Martin Manalang, ayon sa pagkakasunod.