Abante Tonite Interactive

Baltazar nahirang na Player of the Week

0 195

Tunay na nakakamangha ang pinamalas ni DLSU Green Archer Justine Baltazar matapos magtala ng 25-point, 25-rebound output sa laban kontra NU Bulldogs nitong Linggo sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Sa halftime pa lang ay nagtala na si 6-foot-7 Baltazar ng 15 points at 14 rebounds at lalo pang bumulusok sa natitirang labi ng laban.

Dahil sa magandang performance, tinanghal si Baltazar bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps UAAP Player of the Week.

Papuri naman ang ibinigay ni DLSU head coach Gian Nazario sa kanyang fourth year player.

“When was the last time a local had a 25 and 25 in the UAAP? I mean, again, ‘yan ang resulta ng ginagawa ni Balti during practices. He really works hard. He takes care of his body and it shows in the game,” saad ni coach Nazario.

Kwento naman ni Baltazar, “nagpapasalamat ako sa lahat kasi maganda and laro ko. Bumawi ako sa laro ko kasi medyo pangit ang laro ko nung huli,” kung saan ipinunto ang kanyang four points output kontra sa UST noong nakaraang linggo.

Kabilang sa pinagpilian ng mga print at online media sa nasabing award sina Ken Tuffin (FEU), Thirdy Ravena (Ateneo) at Alex Diakhite (UE). (Janiel Abby Toralba)