Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5-0 sa FIBA Asia : Gilas dinurog ang Indonesia

0 88

Kumalas sa third quarter ang Gilas Pilipinas para tabunan ang Indonesia 76-51 sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa AUF Gym sa Angeles City Biyernes ng gabi.

Undefeated sa limang laro ang Filipinos, matapos talunin ang Korea noong Miyerkoles ay nakasiguro ng slot sa tournament proper sa Jakarta sa August.

Nagkasa ng 11-0 run sa third ang Nationals para lumayo 46-31.

Inumpisahan ng mga Pinoy ang final period sa 8-2 blitz tungo sa 59-38 at hindi na nakarekober ang Indonesians.

Si Isaac Go lang ang hindi umiskor sa 12 na ginamit ni coach Tab Baldwin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May tig-11 sina Ange Kouame at Justine Baltazar na kumalawit pa ng 9 rebounds, double-double na 10 points, 12 rebounds si Dwight Ramos.

Nag-ambag ng 7 markers, 7 boards si Kai Sotto. Naka-9 points si RJ Abarrientos at nilista ang 6 sa 17 assists ng Gilas.

Maalat pa ang shooting ng Filipinos, 29 of 79 mula sa field at 6 for 21 sa 3s.

Nambarako ng 22 points, 8 rebounds at 4 blocks si Lester Prosper para sa Indons. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.