Abante Tonite Interactive

Balucanag rumatsada sa Basilan

0 222

Bumanat si Bobby Balucanag ng 18 points, 10 rebounds at 1 assist upang galamayin ang Basilan sa paghakbang sa Marikina Martes sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations sa San Andres Sports Center sa Malate, Manila.

Nakabawi sa 65-55 loss sa Bulacan nitong Hulyo 2, hinelerahan ng Mindanao-based squad sa third spot ang idle Davao Occidental sa 3-1 win-loss mark. Lagpak sa 0-6 ang Shomasters.