Abante Tonite Interactive

Balyena na nakalunok ng gamit na condom, patay

137

Isang pygmy sperm whale ang nasawi matapos umanong makalunok ng used condom sa Davao City.

Sa nakalap na report lumilitaw na inakala na pusit lang ang nalulon ng nasawing balyena pero nang suriin ay nadiskubreng isa pala umanong gamit na condom ang nalulon nito.

Lumabas din sa isinagawang necropsy result sa balyena na labis na dehydration at starvation ang sanhi ng kamatayan nito dahil hindi na ito makakain at makainom ng tubig sa sobrang dami ng lamang ng kanyang tiyan mula sa nakaing mga plastic wrapper at iba pang basura.

Ang balyena na may taas na 10 feet at bigat na 400 kilos ay una nang napadpad na buhay sa baybayin noong Martes nang umaga pero ibinalik din ito sa dagat.

Miyerkoles nang umaga ay muli itong lumangoy sa dagat pero patay na nang muling mamataan.