Abante Tonite Interactive

Bam kinuyog sa pag-angkin sa anti-hazing law

By
2,032

Imbes na sumikat, katakot-takot na banat ang inabot ni Senador Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV sa pag-angkin na siya ang co-author ng Anti-Hazing Act of 2018 na isinabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.

Sa tweet ni Aquino noong Miyerkoles, ipinost niya ang meme na ang Anti-Hazing Law, kung saan siya ay naging co-author umano, ay ganap nang batas. Nakapaloob sa meme ang maliit na congratulatory note sa principal sponsor, si Sen. Panfilo Lacson na isinulat na Sen. Lascon.

Nakapaloob pa sa meme ang ‘24 Laws Passed in 5 Years’ ng senador.

“BAM AQUINO slammed as CREDIT GRABBER again of law made by other senators…It was Senator Lacson who sponsored the bill which Senators Zubiri and Gatchalian as co-sponsors,” banat ng isang Twitter user na si Brojan Shawie sa ipinost nitong meme.