Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bambol ila-lobby ang esports sa SEA Game

0 157

Sanib puwersa sina Philippine Olympic Committee (POC) President at Cavite Seventh District Rep.Abraham Tolentino at National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) President Ramon Suzara sa pangunguna sa pag-lobby sa Viuetnam para manatili ang esports sa 31st Southeast Asian Games 2021.

Ito ay matapos makahanap ng malaking kaalyado ang POC sa pamamagitan ng Asian Electronic Sports Federation (AESF) na nanawagan ding maging medal sports ang laro sa pangalawang pagkakataon sa biennial sportsfest.

“The AESF would like our federations in Southeast Asia to be united and support the Olympic collaboration agenda,” ani AESF Director General Sebastian Lau sa sulat kay Tolentino. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.