Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bambol tiwala, ‘Pinas 4th place

0 72

HINDI man makukuha ng Pilipinas ang inaasam na Top-3 finish sa 31st Southeast Asian Games, napipisil pa ring makakapuwesto sa 4th spot ang bansa sa pagtatapos ng Hanoi meet ngayong Lunes.

Tiwala si Philippine Olympic Committee (POC) President Cong. Abraham “Bambol” Tolentino na malalampasan nang husto ng Pilipinas ang Singapore sa ikaapat na puwesto para tapusin ang kampanya ng bansa sa biennial meet, habang inaasahang makukuha ng host country Vietnam ang kanialng ikalawang overall title matapos ang 19 taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kumpiyansa pa rin ako na mauunahan natin ang Singapore, kasi ngayong araw na ‘to, we have still 10 finals,” pahayag ni Tolentino sa panayam ng isang radio show.

Nakuha ng Pilipinas ang women’s 5-on-5 basketball gold, tatlong ginto sa boxing at silver sa basketball men’s habang isinusulat ang balitang ito. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.