Abante Tonite Interactive

Bamboo natulala sa kaseksihan ni Jennylyn

By
0 3,561

Iisa ang komento ng netizens sa mga lumabas na sexy photos ni Jennylyn Mercado sa Avon Nascon 2018 held last Friday (June 8) sa SM Mall of Asia – sobrang hot, sexy and gorgeous ng Kapuso Ultimate Star.

“Why so sexy?” “Jennylyn Mercado is on fire!” “stunningly beautiful,” “nag-iisa ka lang, Jennylyn Mercado,” “slaying as always, Queen Jen” ang ilan pa sa komento pa ng netizens.

May nagsabi pang nakakatulala ang ganda ni Jen na pati ang guest singer sa event na si Bamboo ay natameme.

Bilang isa sa endorsers ng Avon Apparel ay rumampa si Jen sa runway with her super-sexy outfit na talaga namang mapapanganga ka sa ganda at kaseksihan.

Sa caption ng Avon Phi­lippines na ipinost sa Twitter, tinawag siyang The Queen of Avon Intimate Apparel. At mukha naman siya talagang Dyosa ng kagandahan.

Dalawang beses rumampa ang bida ng The Cure drama series with different sexy outfit at pinatunayan niya talagang siya ang reyna sa nasabing event dahil sa bongga ng kanyang kasuotan.

This explains kung bakit nitong mga nakaraang araw ay panay ang post ni Jen ng kanyang pagwo-work-out at ito ay dahil pinaghahandaan pala niya ang Avon event na ito.

Samantala, sa mga nagtatanong kung may Metro Manila Film Festival movie this year si Jen, sinabi na ng aktres na wala raw muna siyang pelikula this year at naka-focus lang siya sa The Cure kung saan ay kasama niya si Tom Rodriguez at napapanood sa primetime slot ng GMA-7.

“Kasi medyo madugo po siya, eh. Malalaki ‘yung mga eksena kaya pagka-uwi mo, kailangang magpahinga na.”
Pati ‘yung horror movie niya sa Reality Films ay next year na raw siguro.

May mga isinakripisyo man siyang proyekto para sa The Cure, sulit na sulit naman dahil sa ganda ng feedbacks na natatangggap ng serye.

***

Bea nag-throwback ng mga famous line

Nakikiisa si Bea Alonzo sa pagdiriwang ng 25th anniversary ng Star Cinema na naging ba­hagi rin ng kanyang tagum­pay dahil dito sa produksyong ito nakilala ang husay niya bilang aktres.

Kaya naman bilang pagbati ay nag-post ang aktres sa kanyang Instagram ng mga famous lines ng mga karakter na ginampanan niya sa mga pelikula niya sa Star Cinema.

Siyempre, hindi mawawala sa famous lines ni Bea ang dayalog niya sa box-office movie nila ni John Lloyd Cruz na One More Chance, kung saan ay sinabi ng karakter niyang si Basha ang mga linyang “kasi ang totoo, umaasa pa rin ako na sabihin mo, sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit.”

Kasama rin sa listahan ni Bea ang mga tumatak na dialogue niya sa Four Sisters and A Wedding, The Mistress, Miss You Like Crazy and She’s The One.

Sa caption ay ipinahayag ni Bea na nagpapasalamat siya na naging bahagi siya ng Star Cinema for 15 long years.
“Here are some of the lines that i was so privileged to have uttered and some of the characters that i was lucky to have been given by Star Ci­nema.

“For 15 years, I have been blessed to have worked with the people behind this company. Most of the things i know (if not all) about acting and about good work ethics, i know because of these very patient people.

“They are not only friends.. To me, they are FAMILY.. This post is for them.. I may not be as demonstrative as i should be but I love my Star cinema family..

“I guess, all I really want to say is thank you.. Thank you for all the opportunities, the patience and most of all, thank you for the LOVE… Happy 25th anniversary!!! Cheers,” ang mahabang post ni Bea.

Katatapos lang ng aktres ng pelikulang Kasal with Paulo Avelino and Derek Ramsay at ngayon ay may ginagawa na naman siyang bagong movie sa Star Cinema kung saan ay makakapareha niya for the first time si Aga Muhlach na aniya ay dream come true for her.(Vinia Vivar)