Abante Tonite Interactive

BAMTC draw pinaulit dahil sa nCoV

354

Isasagawa ngayong­ hapon ang isang redraw para sa mga koponan sa 2020 Badminton Asia Manila­ Team Championships matapos umabot na sa tatlo ang mga umurong rito – China, Hong Kong at India women’s team – dahil sa takot sa nakamamatay na 2019 Novel Coronaovirus-Acute Respiratory Di­sease.

Pero inihayag pa rin ng mga organizer na “all systems go” na para sa isa sa Olympic qualifyng tournament na papalo sa Pebrero 11-16 sa Rizal Memorial Stadium.

Inihayag ng Badminton Asia at Phili­ppine Badminton Association ang pagtatakda ng lahat ng measure para masi­guro ang kaligtasan ng mga player sa likod ng epidemya na higit 800 na ang kinitil na buhay at nasa 40,000 na ang hinawaan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

“We can assure to the players and the Filipino people that their safety is put on a premium to ensure­ the world-class staging­ of this event,” giit ni PBA secretary-general John Christopher Quimpo.

Ang hindi pagkakansela sa event ay isang senyal para sa mga organizer ng kahandaan at pagsasagawa ng mga precautionary measure para masolusyunan ang situwasyon sa virus.

“The world’s best badminton players­ have been vocal in saying that they are ready to put on a show come the Asian Team Championships ani Quimpo. (Lito Oredo)