Abante Tonite Interactive

Ban sa Japanese pork pansamantala lang

By
0 101

Nilinaw kahapon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol na pansamantala lamang ang ini­utos niyang pagbabawal ng importas­yon ng karneng baboy na mula sa Japan.

Ayon kay Piñol, pinairal ang temporary ban habang bineberipika pa ang ulat na mayroong African Swine Flu (ASF) sa Japan.

“Aalamin natin sa authorities sa Japan kung ano ang estado ng ASF doon,” ani Piñol.

Abante Hiring – IT dep

Nauna rito ay inalerto ni Piñol ang Bureau of Animal Industry (BAI) na magpatupad ng ban sa pagpasok ng mga karneng baboy at iba pang produkto nito na galing Japan matapos makatanggap ng impormasyon ang kalihim na may ASF sa Japan batay sa nalathala sa The Japan News.