Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ban sa Makabayan bloc desisyon ng Comelec – Malacañang

0 367

Bahala na ang Commission on Elections (Comelec) na magdesisyon sa plano na ipa-ban ang Makabayan bloc sa susunod na eleksiyon.

Tugon ito ng Malacañang sa plano ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na huwag payagang makaupo muli sa mga susunod na eleksiyon ang mga progresibong grupo na pinaniniwalaang may kaugnayan sa kilusang komunista.

“`Yan naman po ay dedesisyunan ng Comelec. Ang Comelec ay isang constitutional body so hayaan na po natin ang Comelec ang magdesisyon diyan,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.